Monday, May 25, 2009
PROLOGO
Ang iyong landas ay magsisimula sa tatlong taong iyong makakasalamuha, tatlong taong mabilis na dadaan sa iyong buhay, ngunit magbibigay ng kadahilanan sa landas na iyong makakamit at mararating. Ang una ay ang taong nagbigay sa'yo ng buhay at nagturo sa palasyong iyong pamumunuan ngunit mamamatay siya dahil sa iyong kapangahasan. Ang pangalawa ay ang taong magiging magaan ang loob sa iyo at magtuturo sa iyo tungo sa karangyaan at kataasang iyong makakamit, ngunit malalagay sa panganib ang kaniyang buhay pero hindi mo siya kayang iligtas. At ang huli ay ang taong magpapagulo ng iyong damdamin at nararamdaman, ang magtuturo sa iyo ng kahulugan ng pag-ibig na maglalagay ng buhay ninyong dalawa sa pedestal, dapat mo siyang iwasan sapagkat ang alay niya sa iyo'y kasalanan. At dahil dito, ang lahat ng bagay ay mailalagay mo sa kaayusan, ang mali ay iyong maitatama at madaming buhay at tao sa palasyo ang iyong maililigtas. At lahat ng ito ay magaganap sa administrasyon na iyong pamumunuan, Ikaw na isang dakilang pinuno, na ang bawat Halik ay Sumusugat..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment