Sunday, May 31, 2009

KABANATA 7

"Mukhang malalim ang iniisip mo" biglang basag sa katahimikan ni Mada'am Ly sa pag-iisip ng kaibigang sastre.

"And'yan kana pala" gulat na wika ni Sastre Pis at umalis sa upuan ng kaibigan.

"Ano ba ang iniisip mo?" tanong ni Mada'am Ly sa kaibigan.

"Napagisip-isip ko lang ang mungkahi mo, na papasukin ang aking anak upang maging tagapagluto at tagapaglingkod sa palasyo. Napagisip-isip ko ang mga bagay na maaaring mangyari sakanya sa mga kamay ni Jen-Ni sakaling maging tagapagluto siya ng kusina ng palasyo, ayokong maranasan ni Jo-Na ang mga naranasan ko" pag-aalalang sagot ni Sastre Pis sa tanong ng kaibigan.

"Huwag kang mag-alala, kung sakaling pagdesisyunan mo man na ipasok ang iyong anak sa palasyo, nandirito ako, ako ang bahala sa anak mo. Ako mismo ang kanyang magiging guro at hindi ko siya hahayaang maapi ng mga Cruz na yan. Ngunit, nasa sa iyo pa din ang pagdedesisyon tungkol sa bagay na yan, pag-isipan mong mabuti, Rek-Sy" pagpapayo ng Punong Tagapaglingkod. Matapos ng pag-uusap ng dalawa, kaagad silang nagtungo sa tanggapan ng hari.

Samantalang sa tanggapan ng nagdadalang-taong Suk-Wuon, ay patuloy ang pagtatawanan ng magkakuntsabang Punong Tagapamahala sa Kusina na si Jen-Ni Cruz at ni Suk-Wuon Cruz.

"Tiyak kong hindi maglalaon ay hihina na rin ang resistensya ng prinsepe at babagsak ang kanyang katawan, dahil sa nakalalasong kabute na aking ibinudbod sa pagkaing aking inihanda para sa kanya" paniniguro ni Lady Cruz sa katagumpayan kuno ng mga plano nila.

"At kapag nangyari iyon, hindi na maaaring mailipat pa ng Mahal na Hari ang kanyang posisyon, sa kanyang lalampa lampang anak na prinsepe! At ang tanging mapipiling maging hari na lang, ay ang aking magiging anak, kaya gawin mo lahat ng dapat gawin Jen-Ni, upang maging lalaki ang aking anak" wika ng pag-uutos ng Suk-Wuon sa Punong Tagapamahala sa Kusina.

"Madali lamang yan Mahal na Suk-Wuon, may mga kilala ang aking kapatid tungkol sa mga gumagawa ng gayuma at mga inuming nagpapabago ng kasarian ng mga sanggol sa sinapupunan" paniniguro ni Lady Cruz.

"Kung gayon ay asikasuhin mo na sa lalong madaling panahon. At kung nagkataon, ang aking magiging anak na prinsepe ang susunod na magiging hari, at ako ay magiging Inang Reyna ng Palasyo!" wika ng suk-wuon na sinundan pa ng tawa sa sobrang galak.

"At kapag nangyari iyon, madali ko nang magagapi ang Te-Yol na yan, upang mapasa akin ang kanyang posisyon ng pagiging Punong Tagapaglingkod" dagdag pa ni Lady Cruz sa mga maaaring mangyari kapag sila'y nagtagumpay sa mga plano nila. At sabay pa silang nagtawanan. Nang biglang dumating ang tagapaglingkod ng mahal na hari.

"Mahal na Suk-Wuon, pinatatawag po kayo ng Mahal na Hari sa kanyang tanggapan" pagbibigay-alam ng isang tagapaglingkod.

"Ngayon ba ang araw ng pagpapatahi ko ng bagong kasuotan?" tanong ng suk-wuon.

"Opo, Mahal na Suk-Wuon. Nasa tanggapan na po ng Mahal na Hari ang pinakamahusay na mananahing magtatahi ng inyong bagong damit" sagot ng tagapaglingkod sa suk-wuon.

"Sige, pakisabi ay susunod na ako" utos ng suk-wuon na siyang talima naman ng tagapaglingkod at tahimik na umalis.

"Pinakamahusay na Mananahi ng Palasyo? (Hindi ba iyon ay si Rek-Sy Pis? Tanong ni Lady Cruz sa sarili) Tignan mo nga naman ang pagkakataon" wika ng punong tagapamahala.

"Bakit Lady Cruz? Kilala mo ba ang tinutukoy ng tagapaglingkod na iyon?" tanong ng suk-wuon.

"Opo kamahalan.. Kilalang kilala..." wika ng Punong Tagapamahala sa Kusina.

No comments:

Post a Comment