Sunday, May 31, 2009

KABANATA 6

"Than-Oh, pagkatapos mong kumain maghanda ka na at tutungo na tayo sa palasyo" utos ni Rek-Sy sa kanyang panganay na anak.

"Opo, ina" tugon naman ng sampung taong batang lalaki.

"Kuya, pwede ba akong sumama sa inyong dalawa ni ina patungo sa palasyo?" tanong ng batang si Jo-Na sa kanyang nakatatandang kapatid.

"Hindi ba kabilin-bilinan ni ina na huwag na huwag kang pupunta ng palasyo o kahit banggitin man ang lugar na iyon?" sagot naman batang si Than-Oh sa kanyang nakababatang kapatid.

"Pero, Kuya... (biglang pumasok sa isipan ni Jo-Na ang sinabi ng kanyang ina tungkol sa palasyo noong nag-uusap sila..'Ang palasyo ay ang lugar na hindi mo dapat matuklasan...') Hindi ko pa nakikita ang lugar na iyon. Pero sa tingin ko, ang palasyo ay isang napakagandang lugar.." katwiran ni Jo-Na sa kanyang kuya.

"Gusto mo bang mapagalitan ni ina, Jo-Na? Alagaan mo nalang ang ating nakababatang kapatid na si Oh-Than habang si ama ay nagtatanim ng gulay" utos ni Than-Oh sa kapatid.

Hindi na muling nagsalita c Jo-Na at pinuntahan na lang ang nakababata pa nilang kapatid na limang taong gulang na batang lalaki.

"Jo-Na, anak. Maiwan ka na namin. Ang ama mo ay nandiyan lang sa likod bahay at nagtatanim, alagaan mong mabuti ang kapatid mo" pamamaalam ng sastre sa anak na babae.

"Opo ina, mag-ingat po kayo ni kuya" pamamaalam din ni Jo-Na sa kanyang ina at kuya. Ngunit may binabalak na kakaiba sa isipan.

"Than-Oh, mag-aral kang mabuti, pagbutihin mo ang iyong pagsasanay, pasasaan ba at magiging isang Punong Yu-Neok (Lalaking Tagapaglingkod) ka din balang araw" pagpapangaral ni Sastre Pis sa anak habang tinatahak ang daan patungong palasyo. Lingid sa kaalaman ng mag-ina ay sinusundan pala sila ng batang si Jo-Na. Nagbalak itong sundan ang ina at ang kuya upang makarating ito ng palasyo na nais nitong makita.

"Kailangan kong masundan si ina at kuya, upang makarating din ako ng palasyo" wika ng batang si Jo-Na sa kanyang isipan habang aali-aaligid na sinusundan ang ina at kapatid.

Pagpasok sa palasyo ay kaagad na naghiwalay ang mag-ina, si Than-Oh ay tinahak na ang daan patungo sa silid-sanayan sa Kubon ng mga Yu-Neok samantalang si Sastre Pis ay nagtungo sa tanggapan ni Sastre Na, ang Punong Sastre, upang magpaalam sa kanyang pagpunta sa tanggapan ng mahal na hari.

Samantalang si Jo-Na ay nahirapan sa pagpasok sa palasyo sapagkat nakita niya ang pagsasara ng pinto ng palasyo ng mga kawal. Nag-isip siya ng paraan upang makapasok ng palasyo. Nang may nakita siyang isang puno, mabilis niyang inakyat ito upang makita ang tanawin sa likod ng naglalakihang bakod ng palasyo. Pagdating sa tuktok, tanaw na tanaw niya ang kagandahan ng loob ng Palasyo ng For-Ae.

Matapos magpaalam ni Saste Pis sa Punong Sastre, kaagad siyang nagtungo sa tanggapan ng punong tagapaglingkod ayon sa usapan nilang magkaibigan na magsasabay sila patungong tanggapan ng hari. Ngunit wala daw ito sa kanyang tanggapan dahil sa pinapakain pa nito ang mahal na prinsepe, pagbibigay-alam sakanya ng isang tagapaglingkod na naroroon, kaya't pinapasok muna siya sa loob ng tanggapan habang hinihintay ang kaibigan. Sa loob ng tanggapan ng punong tagapaglingkod, naupo siya sa upuan ng kaibigan, ramdam niya ang pagiging isang punong tagapaglingkod, na ginagalang, pinakamataas sa lahat ng babaing tagapaglingkod sa palasyo, posisyon na pinapangarap ng lahat ng tagapaglingkod na makamit. Maging siya, pinangarap niya din ang posisyong iyon noong mga panahong nagsasanay siyang maging tagapaglingkod kasama ang kaibigan. Ngunit ngayon, ang posisyong kanilang pinangarap ay nakamit na ng kanyang kaibigan, at ikinatutuwa niya ang bagay na iyon para kay Te-Yol. Sa gitna ng kanyang pag-iisip ay biglang pumasok sa kanyang isipan ang sinabi ng kanyang anak tungkol sa pagnanais nitong maging tagapaglingkod sa palasyo. Nag-isip tuloy siya sa bagay na iyon, napagisip-isip niya ang maaaring mangyari sakaling ipasok niya ang anak sa palasyo upang maging isang tagapaglingkod. Ngunit dalawa lamang ang maaaring mangyari, ang maging isang Punong Tagapaglingkod rin ang kanyang anak alang-alang sa kanya sa tulong ng kanyang kaibigan, o ang magdanas ng paghihirap na kanyang naranasan sa kamay ng mga sakim na Cruz. Hindi iyon maaari, sabi ng kanyang isipan.

No comments:

Post a Comment