Malupit, mabagsik at sakim ang maituuring sa pamamahala ng hari ng Palasyo ng For-Ae sa kalagitnaan ng taon noong ika-5 siglo. Ang bawat tao sa loob ng palasyo na lumabag sa batas mapa malaki man o maliit ay kaagad na hinahatulan ng kamatayan. Maselan din ito sa pagkain, kaya't ang mga taong namamahala sa kusina ay hirap na hirap sa pagpapakain sa kanya, kapag hindi niya nagustuhan ang pagkaing inihain sa kanya ay kaagad agad niya itong itatapon at ipababalik sa kusina upang maghanda at maglutong muli ng panibago. Marami siyang mga kawal at kapitang inihahanda sapagkat ang nais niya'y sumakop at magpalawak pa ng kanyang nasasakupan. Ganyan ang administrasyon nang mga panahong iyon sa Palasyo ng For-Ae, sa pamumuno ng malupit at sakim na hari na si Haring Ti-No Ngan. Si Ti-No Ngan ay nagmula pa sa mga kauna-unahang pinuno na naging hari rin sa iba't ibang palasyo sa bayan ng Lee Se-Yo, siya ay nagmula sa Angkan ng Ngan na kilala sa pagiging malupit at sakim sa pamumuno.
Ngunit kung anong lupit at bagsik ng haring ito, ay kabaligtaran naman siya ng kanyang reyna na si Reynang La-Nel Bo. Si La-Nel ay nagmula sa Angkan ng Bo na kilala sa pagiging mabait at may kalinisan ng puso. Kaya't kahit gaano kalupit ang kanyang asawa, siya ay nananatili pa rin bilang kanyang mapagmahal na asawa, reyna at mabuting ina ng kanilang anak. Nagdadalang-tao noon ang isa sa mga babae ng hari na si Suk-Wuon Cruz (Suk-Wuon ang tawag sa mga babae ng hari, pinapayagan ang mga hari noon na magkaroon ng ibang babae sa kabila ng pagkakaroon niya ng asawa, ang reyna. Upang sa oras na kailangan na niyang magretiro sa pagiging hari, at ang panganay na anak niya sa reyna ay babae at hindi maaaring maging hari, sa mga panganay na lalaking anak niya sa kanyang mga babae siya pipili upang pumalit sakanya't maging panibagong hari) Si Suk-Wuon Cruz ay nagmula sa Angkan ng mga Cruz na kilala sa pagiging mapagmataas at sakim sa kayaman at posisyon. Bagamat siya'y isang hamak lamang na babae ng hari, lahat ay kanyang kayang gawin upang magapi ang reyna at siya ang kilalanin na opisyal na asawa ng hari.
Lumalaki na ang tiyan ni Suk-Wuon Cruz, kaya't nagpatawag ang Mahal na Hari ng isang magaling na mananahi upang magtahi ng panibagong damit para sa suk-wuon. Kilala noon si Sastre Rek-Sy Pis sa pagiging isang mahusay na mananahi ng damit at magaling sa larangan ng pagdidisenyo ng mga kasuotan. Si Rek-Sy ay nagmula sa Angkan ng mga Pis na kilala sa pagiging mahusay sa iba't ibang larangan, maging sa pamumuno. Naging isang magaling na kapitan ang kanyang ama na si Kapitan Jo-Se Kil at naging isang Punong Kapitan noong mga panahong prinsepe pa lamang ang mahal na hari ngayon. Si Sastre Pis ay may tatlong anak na naninirahan di kalayuan sa labas ng palasyo. Pinatawag ng Mahal na Hari si Sastre Pis na kasalukuyang nananahi sa Kubon ng Tahian. At ang Punong Tagapaglingkod pa mismo ang inutusan ng Mahal na Hari upang tumawag sa mananahi. Ang Punong Tagapaglingkod noong mga panahong iyon sa pamumuno ni Haring Ngan ay si Mada'am Te-Yol Ly (Mada'am ang tawag sa mga pinunong babaing tagapaglingkod). Si Mada'am Ly ay kilala sa pagiging isang magaling na tagapaglingkod, siya ang pinakamahusay na tagapagsanay noong mga panahong nag-aaral pa lamang siyang magluto. Kasama niya dati ang kanyang matalik na kaibigan, iyon ay si Sastre Rek-Sy Pis. Si Mada'am Ly at Sastre Pis ay matalik na magkaibigan simula pa noong sila'y mga bata hanggang sa kanilang pagpasok sa palasyo, ngunit nagkahiwalay sila ng landas sa di inaasahang pagkakataon, dahil si Rek-Sy Pis ay napatalsik noong nagsasanay pa lamang siyang maging isang tagpagluto, kaya't ito'y nag-asawa at sa pananahi natuon ang kanyang landas, ngunit siya ngayon ay kilala sa larangan ng pananahi dahil sa kanyang kahusayan. Ngunit ngayon, muling pinagtagpo ang landas ng matalik na magkaibigan.
Tuesday, May 26, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment