Sinasabing ang buhay ng isang Pinuno ay makabuluhan, puno ng paghihirap sa pagkakaroon ng isang napakahalagang gampanin at misyong kailangang tupdin. May kalakip na pagdurusa, sapagkat kailangang magtiis ng mga pasakit at hirap, na magpapatibay ng loob upang harapin ang bawat pagsubok sa gitna ng pamumuno. Iyan ang buhay ng isang pinuno, pinuno na handang ialay ang buhay sapagkat siya'y pinagkatiwalaan ng isang bagay, bagay na pinagkaloob ng tadhana ngunit magpapabago ng takbo at landas ng kanyang buhay.
Iikot ang istoryang ito sa kasaysayan ng pamumuno ng isang tao, taong makapagbibigay sa atin ng inspirasyon at aral, sa mga pagsubok na kanyang dinaanan, paghihirap na kanyang tiniis at kasamaang kanyang nilupig, alang-alang sa kapakanan ng kanyang pamamahala at nasasakupan. Tunghayan natin ang kasaysayan ng mahirap ngunit makabuluhang pamumuno, ni MADA'AM Jo-Nah PIS.
Monday, May 25, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment